Manny, na-proud kay Alex Eala

Ang bongga naman ni Manny Pacquiao na nag-post ng kanyang mensahe sa Pinay tennis sensation na si Alex Eala.
Ayon kay Manny, “You may not have made the finals, but you won the hearts of the world, @alex.eala. The whole nation is proud.
“This is just the beginning. Keep fighting and inspiring. You’ve shown the heart of a true champion. Laban lang! The future is bright for you.
“Proud na proud kami sa’yo!
“#PinoyPride”
Kahit nga bigo si Alex na makapasok sa finals ng Miami Open ay buhos naman ang suporta na natanggap niya mula sa mga kababayan natin.
At ang galing ng bagets na 19 years old lang pala na maraming pinahanga matapos talunin ang ilang top-ranked players.
Nakaka-touch na nakatanggap si Alex sa gaya ni Manny na sports icon na.
Nakakatuwa na marami lalo ang na-inspire na maglaro ng tennis dahil sa kanya ha.
At in fairness ang ganda ng mukha niya na lagi lang nakangiti sa mga interview.
Nakaka-proud talaga ang ginawa ni Alex na kahit lutang ang pagod niya ay talagang lumaban pa rin siya.
Bongga, gumawa siya ng kasaysayan.
- Latest