^

Pang Movies

GMA exec, bagong jury ng AACA

Pang-masa
GMA exec, bagong jury ng AACA
Gigi Santiago.
STAR/ File

Itinalaga si GMA Network Vice President for Musical, Variety, Specials, and Alternative Productions for Entertainment Group Ms. Gigi Santiago-Lara bilang Philippine Ambassador to the Asian Academy of Creative Arts (AACA) for 2025.

Binanggit ni AACA Chief Executive Officer Fiona McKay ang papel ni Ms. Gigi bilang Elite Member of the organization, citing that her wealth of experience and commitment to creative excellence perfectly align with AACA’s mission to celebrate and elevate the best in Asian creative talent.

“Gigi Santiago-Lara was accepted by her peers as an Elite Member of the Asian Academy of Creative Arts due to her outstanding career achievements and contribution to the local industry, so we are delighted to welcome her as Ambassador for the Philippines,” ayon kay Fiona.

Bilang Philippine Ambassador, siya ay magsisilbing Member of Jury for the AACA Awards at susuportahan ang Academy in its skills development programs.

Makakasama ni Ms. Lara ang ibang media executive Ambassadors mula sa Australia, Thailand, Chinese Mainland, Malaysia, India, Japan, Taiwan, Hong Kong, Indonesia, Vietnam, and Myanmar as part of Asia-Pacific’s prestigious award-giving body for creative excellence.

Isang Kapuso si Ms. Gigi for over 28 years, malaki ang kanyang papel sa mga matagumpay na programa sa local television. Most recently, she has been involved with some of GMA’s top entertainment programs such as The Voice Generation,  The Clash, TiktoClock, All-Out Sundays, Farm To Table, Kapuso Countdown Specials and The Voice Kids.

Lindol sa Bangkok, apektado ang puntahan ng mga tourist

Grabe ang epekto ng malakas na lindol sa Thailand.

Lalo na sa mga napapanood na video nung pag-collapse ng isang ginagawang government building sa Chatuchak.

Ang Chatuchak Market ang paboritong pasyalan ng mga turista sa Thailand kabilang na ang mga Filipino.

Ayon pa naman sa pinakabagong ulat ng Euromonitor International, ang Bangkok ang most visited city sa buong mundo noong 2024.

Ang dami kasi talagang bumibiyahe rito dahil sa masasarap na pagkain at magagandang pasyalan pero halos pareho sa Manila ang klima at kapaligiran sa Bangkok.

Haven ito ng mahihilig mag-shopping.

Saka mura ang airfare at maging ang hotel.

Most of the time, mas mura pang bumiyahe sa Bangkok kesa sa Siargao or Palawan kaya mas pinipili ng maraming kababayan natin na mamasyal doon kesa sa saratiling lugar natin dahil sa pamasahe sa eroplano. Naka-abroad ka pa.

Anyway, ang balita sa kasalukuyan ay daan-daang mga Thai ang kinatatakutang wala nang buhay dahil sa pagbagsak ng ginawang building.

Ganundin sa Myanmar na malaki rin ang epekto ng 7.7 magnitude na lindol.

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad