^

Pang Movies

Liza Diño, nanakawan sa maleta!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Liza Diño, nanakawan sa maleta!
Ice Seguerra at Liza Diño

‘Kaloka naman ang ipinost ni Ice Seguerra na nawalan daw ng gamit ang misis niyang si Liza Diño sa maleta niya.

Nanawagan siya sa NAIA 1 na kararating lang daw ng asawa niya galing US via PAL flight pero meron daw nawawalang items sa loob ng box at maleta nito na hindi niya binanggit kung ano.

Mukhang importante iyon o malaki ang halaga dahil hindi naman siguro mag-aaksaya ng oras si Ice kung hindi ‘di ba.

Kaya tanong niya sa mga ito ay pwede raw bang makausap ang security ng mga ito para matingnan ang lost items at nagbabakasakali nga itong baka naroon ang nawawalang items.

Pero ang bilis ng reply ng PAL ha.

Wala pa raw isang oras ay nakasagot na ito sa post ni Ice.

Nag-reach out na raw ito sa pamamagitan ng Instagram nito para masuportahan ang pag-imbestiga roon.

Nakakalungkot lang na kung talagang may nagnakaw ng mga iyon ay ibig sabihin ba nito ay hindi na talaga ligtas ang mga gamit ng mga pasahero kahit nasa loob pa ng maleta?

‘Kaloka naman kung mismong kababayan pa natin ang mga kawatan.

Sana matigil na ang mga ganyang klaseng modus dahil nakakahiyang masangkot at mapag-usapan na naman ang bansa natin sa negatibong bagay.

Hindi bongga.

LIZA DIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with