Mga bagong Binibining Pilipinas, nakapag-uwi rin ng milyones

Mga beterena na pala sa pageant ang kinoronahang Binibining Pilipinas 2025, si Katrina Johnson at si Annabelle McDonnell bilang Binibining Pilipinas International and Binibining Pilipinas Globe, respectively, matapos ang ginanap na coronation night noong isang gabi.
Tinalo ni Ms. Johnson, na kumakatawan sa Davao Province, at Ms. McDonnell ng Iligan City, ang 34 na iba pang kandidata.
Bukod sa korona, nag-uuwi rin ng tig-P1 milyon, at magiging representative ng Pilipinas sa Miss International at Miss Globe pageants.
First runner-up si Dalia Varde Khattab from Las Piñas and Kathleen Espenido mula sa Siargao.
Naging host naman 61st Binibining Pilipinas Grand Coronation Night sina 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves, 2014 Miss Universe semifinalist MJ Lastimosa, 2021 The Miss Globe Maureen Montagne, at 2016 Miss International Kylie Verzosa.
Bukod sa mga nanalo, naging topic din sa social media si MJ Lastimosa lalo na ‘yung suot niyang yellow at pagiging darling of the crowd ng dating beauty queen.
Parang nakalimutan daw ni MJ na hindi niya debut kundi coronation ‘yun ng Binibining Pilipinas.
Yung isa naman ay ala-Cleopatra raw ang datingan.
Pero hindi siya affected dahil ang dating beauty queen mismo ang nag-comment na “Me pag wash day sa school,” sa kanyang yellow gown.
“Mareng Mirijin is Cleopaatras,” aniya naman sa kanyang white recycled gown.
Speaking of MJ, totoo kayang siya ang karelasyon ng isang senador na nasa korte pa ang annulment case?
Yup, hindi pa nga lang daw pwedeng i-flaunt ang nasabing relasyon nito sa pulitiko dahil sa annulment case.
- Latest