^

Pang Movies

Pelikulang teen gay romance parang ginawa na nina Dennis at Tom

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Mawiwindang ang mga Pinoy teenager natin kung mapapanood nila ang Geography Club, ang bagong pelikula na tumatalakay sa teen gay romance, kahit sabihing medyo bukas na rin ang isipan ng kabataan dito at matagal na namang may mga ganitong istorya.

Hindi kasi kinukunsinti sa atin ang gay couples kapag bata pa. Sabihin na nating kapag nag-aaral pa. Siyempre ang laging payo ng matatanda sa babae at lalaking estudyante pa ay tapusin muna ang pag-aaral bago makipaglandian. Eh ano pa kaya kung bakla o tomboy ang nakikipag-relasyon?

Pero hindi ang pag-aaral o edad ang isyu sa Geography Club porke high school students pa lang sila kundi ang pagtanggap sa third sex na hindi makapag-open ng pakikipagrelasyon sa campus. Ni hindi nga sila makapag-out. Ang rated PG na rom-com film ay hango sa nobela ni Brent Hartinger. Itinago lang sa nerd na pangalan ang club na mga tibo, bakla, at confused pala ang nagmi-meeting dahil mga outcast sila sa Goodkind High School.

Ang maganda rito, nakapagbigay ng kilig at sweetness ang patagong nararamdaman ng bidang si Russell (Cameron Deane Stewart) na ang nakapagmulat sa kanya ay ang varsity football player na si Kevin (Justin Deeley). Parang magic kiss ang nangyari sa dalawa na nasaksihan ng closetang lesbiana na si Min (Ally Maki).

Maire-relate rito ng Pinoy moviegoers ang mga eksena nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover. Parehong guwapo at macho sina Russel at Kevin kaya nagsisigawan ang mga tao kapag naglalapat na ang kanilang mga labi. May tatlong eksena yata ‘yung ginawa nilang maglaplapan pero hindi naman kadiri ang dating. Hindi rin pang-adult na tipong ala-Brokeback Mountain ang romansahan nila.

Cute rin ‘yung eksena ni Russel na hindi niya magawang patulan ang pagka-agresibo ng seksing si Kimberly (Allie Gonino) kasi nga aware na siya sa sarili niya na hindi babae ang gusto niya. Sa huli, ang twist tuloy ay napunta si Kimberly sa best friend ni Russel na si Gunnar (Andrew Caldwell).

Pero sa totoo lang, hindi lang naman ang pagre-relasyon ang ipinapakita sa Geography Club. Malaking factor dito ang support group, ang pagkakaibigan. Maganda ang relasyon ng mag-best friend na sina Russel at Gunner. Hindi nandiri at tumalikod ang straight na si Gunnar nang matuklasan niyang hindi pala tunay na lalaki ang kanyang kaibigan mula pagkabata.

Maganda rin ang pagtanggap ng club nina Min at Russel sa palaging nabu-bully na si Brian (Teo Olivares). Kaya dahil sa kanila ni Gunnar ay naging Gay Straight Alliance na ang tinawag nilang Geography Club. Welcome na rin kasi kahit ang mga super macho at pinaka-kikay — kung gusto nila.

Aba, para sa first-time feature director na si Gary Entin ay lumabas namang maganda ang kanyang pelikula. Sabi nga ay niche contemporary itong Geography Club. Maraming eksena na maayos ang kuha niya sa mga artista. Okay naman ang lahat ng mga artista. Happy naman siguro ang author na si Brent.

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALLIE GONINO

ALLY MAKI

ANDREW CALDWELL

BRENT HARTINGER

BROKEBACK MOUNTAIN

GEOGRAPHY CLUB

GUNNAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with