^

Pang Movies

Thea mas gustong magpa-aral ng kapatid kesa unahing magka-dyowa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-one year na sa showbiz ang winner ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break na si Thea Tolentino. Noong nakaraang Oct. 21 ang showbiz anniversary ng young actress, the same date na nanalo rin si Jeric Gonzales sa reality artista search ng GMA 7.

Sa one year na pagiging artista ni Thea, hindi siya nawalan ng trabaho at mabilis siyang pinagbida sa afternoon drama series na Pyra, Babaeng Apoy.

Marami na raw ipon si Thea at plano niyang makabili ng bahay sa Quezon City para may natutuluyan sila ng pamilya niyang nakatira pa sa Calamba, Laguna. Ngayon kasi ay nagre-rent siya ng condo unit na malapit sa GMA 7.

‘Yung napanalunan niyang condominium unit ay sa Pasay City pa kasi ang location at malayo sa lugar ng trabaho niya. Plano nilang ipa-renovate ang condo unit at ibenta na lang o paupahan.

‘Yung one million pesos naman na napanalunan niya ay may natitira pa sa bangko. May binili kasi siyang second-hand car para magamit niya sa kanyang tapings at may mga binayaran silang mga utang sa Laguna.

“Pinag-aaral ko rin ‘yung bunso kong kapatid. Ako na ang nag-asikaso ng tuition fees niya at mga gamit sa school,” sabi ni Thea.

Love team sila ni Jeric pero hindi naman daw siya nililigawan pa. Magbarkada raw kasi sila ng ibang mga naging finalist sa Protégé.

“Wala pa naman sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend. Seventeen years old pa lang po ako kaya marami pang time para sa ganyan.

“Gusto ko munang pagbutihan ang trabaho ko para mas marami pang trabaho na dumating in the future. Through that, matutupad ang mga ibang pangarap ko,” pagtatapos ni Thea.

Zandra Summer nahihiya na napagkakamalang si Megan Young

Marami ang nagsasabi na kahawig ng Protégé finalist at main cast ng Pyra, Babaeng Apoy si Zandra Summer, ang Starstruck alumna at Miss World 2013 na si Megan Young.

Noong nasa Cebu pa lang  si Zandra at hindi pa sumasali sa Protégé, marami na ang nagsasabing magkahawig sila ni Megan.

“Napapanood ko pa lang si Megan sa Cebu, sinasabi na nilang para raw ka­ming magkapatid.

“Kahit ‘yung father ko binibiro niya ako na baka kapatid ko raw si Megan. Kunwari iniisip niya kung anak niya si Megan,” sabay tawa niya.

Sa isang restaurant daw noong minsang kumain siya ay tinawag siyang Megan ng mga staff doon.

“This was the time na hindi pa sumasali si Megan sa Miss World Philippines. Nasa resto ako with some friends. Noong paalis na kami, binati ako ng staff na, ‘Thanks for coming Ms. Megan.’

“Nagulat ako kasi akala nila ako si Megan Young. Siyempre kinorek ko naman sila. Nakakahiya naman po kasi,” sabi ni Zandra.

Umuwi noong nagdaang Undas ang Protege finalist sa Cebu para makita ang naging da­mage sa bahay nila noong lumindol doon kamakailan.

Doon lang daw sa bakuran nila ang damage at wala naman sa loob ng bahay. Nag-worry si Zandra dahil nag-iisa lang daw ang mother niya sa Cebu noong maganap ang malakas na lindol.

“Kasama ko kasi ang daddy at brother ko rito sa Quezon City. ‘Yung brother ko ang nagda-drive for me at si daddy ang nagbabantay sa amin. Pero dahil sa nangyari, baka umuwi na si daddy sa Cebu para samahan si mommy. Kami na lang ng brother ko ang dito sa Quezon City,” pahayag ng Kapuso star.

 

vuukle comment

BABAENG APOY

CEBU

MEGAN

MEGAN YOUNG

NIYA

PROT

QUEZON CITY

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with