^

Pang Movies

Daiana ni-reject ang mga alok na tulong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Muling inulit ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman ang kanyang offer na tumulong kung talaga ngang kailangang tulungan ang dating TV host na si Daiana Menezes. Nagsimula ang lahat nang maglagay siya ng sunud-sunod na post sa kanyang social networking account na nagsasabing dapat tumigil na ang violence laban sa mga babae. May isa pang post na nagpakita siya ng kanyang brasong may sugat. At marami ang nabahala nang mag-post siya ng “The End” na may caption pang good night.

May mga kaibigan siyang nagtatanong kung sinasaktan ba siya ng kanyang asawang si dating Congressman Benjo Benaldo pero iyon ay mga tanong na hindi niya sinasagot.

Ngayon maski na ang women’s group na Gabrie­la ay nagsabing ilalaban nila si Daiana kung totoo ngang ito ay sinasaktan ng kanyang asawa.

Pero mabilis din namang sumagot ang outgoing congressman na mahal nila ni Daiana ang isa’t isa, at kung totoo mang nagkaka-away sila, natural lang daw iyon sa mag-asawa. Sinabi rin niyang dahil sa mahal siya ng kanyang misis, kung ano man ang nangyari sa kanila o nagawa niya, ay pinatawad na siya at nagkakasundo na sila ngayon. Hindi tuwirang inamin pero hindi rin naman ikinaila ng congressman na mayroon ngang hindi magandang nangyari sa kanila kaya nakapag-post nang gano’n si Daiana na nagsabi pang hindi na niya kayang ma­nahimik pa tungkol sa nangyayari sa kanya.

Ngayon lang din sinabi ng congressman na nagpakasal na sila ni Daiana sa isang civil rites sa Las Vegas, Nevada noong Disyembre noong nakaraang taon at binabalak na nga nilang magpakasal na muli sa Pilipinas. Si Daiana ay isang Brazilian.

Kung anuman ang talagang nangyari ay hindi na natin malalaman. Ang emphasis na nagpakasal na sila ay parang pagsasabing iyon ay isang domestic problem at walang dapat na makialam sa kanila kung wala rin namang pormal na reklamo ang kanyang asawa.

Marco Morales nananahimik sa kasong pagnanakaw sa motel

Itinatanong nila kung iyon daw bang lalaking sinasabing notorious na swindler at magnanakaw na nagnakaw na naman sa isang motel sa Pasay City kamakailan lang at ang artistang si Marco Morales ay iisa. Nagkataon ka­sing magkapareho pa sila ng pangalan.

Nalaman sa kanyang naiwang driver’s license sa motel room na ang pangalan niya ay Marco Gonzaga Saca. Ang picture sa nakitang lisensiya ay picture mismo ni Marco Morales. Dahil kung hindi ay masasabing sobra naman yata ang kanilang pagkakahawig.

Si Saca ay hindi nagbayad sa motel at ninakaw pa ang TV sa kuwartong kanyang inupahan. Binantayan na siya ng staff ng motel dahil nagawa na pala niya iyon sa ibang branches ng motel na iyon, at nang harangin siya ng staff, muntik pa niyang masagasaan ang isa sa mga iyon.

Maraming pinagtitiyap na pang­yayari dahil sinasabi nga ring noong oras na nangyari iyon ay nag-post pa si Marco Morales sa kanyang social networking account na siya ay mayro­ong trouble at kailangan niya ng tulong. Anong trouble naman kaya iyon? Ang mga kaibigan naman niya ay nagpahayag ng pagtulong pero hindi na siya sumagot pa.

Hanggang ngayon ay wala pang sinasabi si Mar­co Morales kung siya nga at si Saca ay iisa. O nag­kataong magkamukha lang. Ilang araw na ang nagdaan mula nang mangyari iyon.

Aktor na balikbayan bagsak ang career, nangungutang na lang sa mga kaibigan ngayon

Kawawa ang isang aktor. Iniwan niya ang kanyang trabaho sa US dahil sa paniwala niyang kung babalik na lang siya sa Pilipinas para mag-artista ay mas giginhawa ang buhay niya. Nagkamali siya kasi puro flop naman ang nasalihan niyang proyekto.

Ngayon ay nagsisimula na siyang ma­ngu­tang sa mga kaibigan niya na bantulot namang pautangin siya dahil saan nga siya kukuha ng pambayad?

Talagang lahat yata ng mga artistang matagal na nawala sa Pilipinas pagbalik ay flop na.

DAIANA

IYON

KANYANG

KUNG

MARCO MORALES

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with