^

Pang Movies

Solenn piece of paper lang ang tingin sa kasal!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

Sobrang ini-enjoy ng Filipino-French actress na si Solenn Heussaff ang kanyang career ngayon and at the same time ang masaya niyang love life na isang Argentinian na si Nico Bolzico. Very understanding ito at naiintindihan ang kanyang career dito sa Pilipinas. Nang dalawin namin si Solenn sa location shooting ng epicseryeng Indio sa Cavinti, Laguna na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr. ay ang love life nito ang una naming inusisa. 

Unang tanong namin sa mestisa at napaka-seksing tisay, hindi pa ba siya niyayang magpakasal ng BF niya?

 â€œPiece of papel lang ’yan. Hindi naman... Ako, I’m not the type na pag kinasal ako, stop akong lahat.

“I’m still an independent woman, gusto ko magtrabaho, gusto ko lahat.

“Hindi ako yung tipo na mag-stop kasi kasal ako—piece of paper lang ‘yan,” opinion pa ng aktres na gumaganap bilang Diwata ng apoy at bulkan sa Indio.

What if sinabi ng magiging husband niya na gusto nitong  maging full-time wife and mom siya?

“Then, leave me!” sabay tawa ni Solenn.

“If he wants to be with me, then he has to accept everything about me. I’m not gonna change for anyone. I’ll compromise, but I won’t change.”

Hindi naman sa mas pipiliin niya ang career over love?

“No, of course. I love love pero if the person that I’m with really loves me, he won’t stop me from doing anything.

“Iyon ang tingin ko—my perspective,” paliwanag pa ng magandang aktres.

Samantala, regarding sa epicseryeng Indio,  ano ba ang pinakamasarap na parte sa pagiging bahagi ng fantaseryeng ito ng GMA-7?

“Best part, ang ganda ng mga costumes, isa yun sa best parts.

“So hindi kailangan mag-pack pag nasa bahay!” at natawa si Solenn.

                               

 

 

 

vuukle comment

ARGENTINIAN

BONG REVILLA

CAVINTI

FILIPINO-FRENCH

INDIO

NICO BOLZICO

SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with