^

Pang Movies

JC ligalig sa buhay, gustong mag-travel nang mag-travel!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang pagbabakasyon sa iba’t ibang bansa ang ginawa ni JC de Vera kaya bigla siyang nawala sa eksena ng pansamantala. Ilang weeks din siya sa Australia, Thailand, at Hong Kong. Nag-enjoy lang siya ng todo sa kanyang bakasyon pagkatapos niyang gawin ang Valiente.

Ang TV5 management naman ang nagsabi sa kanya kung gusto nitong magbakasyon muna para ma-recharge ito para sa next project niya. Kaya ang ginagawa muna ni JC ay ang Lokomoko U na once a week lang ang taping.

 “Nagpahinga muna ako talaga. Sunud-sunod din ang naging pagod natin. Kaya I took time off. Nakatulong naman kasi sobra akong na-recharge. Ngayon balik tayo sa taping with Enchanted Garden,” smile ni JC.

Na-miss din ni JC ang magtrabaho kaya sumabak agad siya sa taping. Pero kapag may pagkakataon ay naiisingit niya ang pagpunta out of town kasama ang ilang mga kaibigan.

 “Masarap ang lumayo sa magulong city kahit na ilang araw lang. Mas nakaka-relax. Before gusto ko lang sa bahay. Ang pinakalabas ko ay sa gym at mag-basketball sa amin. Ngayon enjoy ko na ang mag-travel kung saan-saan,” sabi ng Kapatid actor.

Wala kasing love life si JC kaya malaya siyang pumunta kahit saan na walang pumipigil sa kanya.

Gianna dumanas ng hirap sa pila para makapag-artista

Dumaan din sa audition process ang anak nina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado na si Gianna Revilla para makasama siya sa teen drama series na Teen Gen ng GMA 7.

Sinabi ni Gianna na hindi basta ini-offer ang role na Madison sa kanya dahil pumila rin siya sa audition.

 “Hindi naman po dahil parehong nasa GMA 7 ang parents, automatic na pasok na ako. Gusto ko rin pong mag-audition talaga.

 “Kahit na ayaw nga nina daddy at mommy na mag-artista ako, kasi baka raw mapabayaan ko ang studies ko, I promise na hindi ako mag-i-stop. Tuloy ang pag-aaral ko kahit na nasa showbiz ako,” sabi ng teen star.

 Sa March ay ga-graduate na si Gianna ng high school at magde-decide pa siya kung saan siya magka-college. Gusto nga niyang i-take up ay political science or business management.

May balak din ba siyang pasukin ang politics balang araw?

 “Hindi ko pa alam... depende siguro kung kaka­yanin ko. Right now, gusto ko na nasa showbiz muna ako. But I will always support my dad and mom sa kanilang trabaho sa politics. Gayun din kay Kuya Jolo who will be running in Cavite in 2013,” sabi ni Gianna.

Naalala nga namin na tumatakbo noong 1995 bilang vice governor ng Cavite si Bong nang ipina­nganak si Gianna. Nataon na nanalo ang aktor kaya pinangalanan siyang Victoria Gianna or VG na parang “vice governor” din ang dating.

     Ngayon ay ang kuya Jolo naman niya ang tumatakbo as vice governor ng Cavite.

Lindsay kumuha ng spiritual adviser para ‘di makulong

Gustong makaiwas si Lindsay Lohan na makulong dahil sa mga kaso niya kaya kumuha siya ng isang spiritual adviser para matulungan siya.

Gusto niyang sumulat ang kinukuha niyang spiri­tual guru sa judge na hahawak ng kanyang kaso. Naniniwala siya na sa pamamagitan ng letter na iyon ay maiiwasan niyang mahatulan.

Nahaharap ang Hollywood actress sa 245 days in jail dahil sa kanyang mga probation violation.

 Ang isang sulat mula sa spiritual advisor ang makaligtas kay Lohan dahil imbes na jail time ang ibigay sa kanya, counselling ang ipapalit. Since 2008 ay nakakaligtas sa pagkakakulong si Lohan dahil sa tulong ng spiritual advisor.

     Ang hearing ni Lohan ay scheduled sa Jan. 25.

vuukle comment

BUT I

CAVITE

DIN

ENCHANTED GARDEN

GIANNA

GIANNA REVILLA

HONG KONG

NGAYON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with