Bakit kumandidato ang Tulfo brothers?
KILALA ang Tulfo brothers na sumbungan ng mamamayan laban sa mayayaman at mga abusadong opisyal ng bayan. Namimigay pa ng pera sa sumbungero at sumbungera, ha-ha-ha!
Madalas na binabatikos ng Tulfo brothers ang mga naghaharing pamilya sa pulitika na nagsasamantala sa kapangyarihan at kumukurakot sa kaban ng bayan.
Nagsawa na ang Tulfo brothers sa kababatikos sa political dynasty na ginawa nang propesyon ng mga naghaharing pamilya na mistulang negosyong korporasyon. Naninikis lang ba ang Tulfo brothers o makikisalo na sila? Hmmm!
May ilang kongresista na naglatag nang anti-political dynasty bill pero pinatulog ng mga kapwa mambabatas. Wala raw masama sa political dynasty dahil ang mamamayan naman ang bumoboto sa gusto nilang kandidato. Pwe!
Posible ang political dynasty sa mga probinsiya at bayan-bayan hanggang sa barangay dahil pamilyahan at estilong tribu talaga ang umiiral. Pero sa Malacañang, Kongreso at Senado, nakakainis talaga. Grrr!
Hindi maiiwasang silipin ng mga kritiko ang Tulfo brothers na gusto rin ng mga ito na magtatag ng political dynasty. May reklamo?
- Latest