Palusutan sa BOC, meron pa rin, nabawasan lang!
HINATULAN na ng hukuman sina Bureau of Customs (BOC) fixer Mark Taguba, Dong Yi Shen, Eirene Tatad at warehouseman Fidel Dee. Makukulong sila ng 40 taon dahil sa nakapuslit na kargamento sa BOC noong 2017 na naglalaman ng P6.4 bilyon na halaga ng shabu.
Marami talaga sa BOC ang gumagalang fixers tulad ni Taguba sa paglalabas ng kargamento. Nagbabayad lamang sa pirma ng licensed broker na nagpapaarkila rin ng accredited consignee tulad ni Eirene Tatad. Partida “tara” siyempre sa daraanan!
Naging palasak na ang mabilis na proseso sa paglalabas ng kargamento sa BOC. Kabilang ang fixer sa nabigyan ng bendisyon bilang isa sa pinagpalang player. Contributors daw kasi sila ng “pasalubong” sa uupong BOC commissioner. Aray ko!
Nakadidismaya na marami pa rin ang nahuhuling smuggled cargoes tulad ng droga, agricultural products at pekeng sigarilyo. Wala pa kasing nakukulong na BOC examiner.
Magpakulong ka nga ng kahit isa BOC Commissioner Bien Rubio.
- Latest