^

Punto Mo

Pinakamaliit na vacuum cleaner sa buong mundo, naimbento ng isang college student sa India!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng world record ang isang 22-anyos na college student sa India matapos siyang makaimbento ng vacuum cleaner na mas maliit pa sa isang pangkaraniwang ballpen!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Tapala Nadamuni ang pinakabagong world record holder ng titulong “World’s Smallest Vacuum Cleaner”. Ito ay dahil ang imbensiyon niya ay may sukat lamang na 0.65 cm. Ang sukat na ito ay kasinglaki lamang ng hinliliit na daliri sa kamay.

Noong 2020, unang napasakamay ni Tapala ang record na ito ngunit nang sumunod na taon ay nabawi ito sa kanya. Dalawang beses siyang gumawa ng prototype ngunit na-reject ang mga ito. Inabot siya ng dalawang taon bago nakapag-imbento ng mas maliit na vacuum. Ayon kay Tapala, gumastos siya nang mahigit 20,000 indian rupees (katumbas ng P13,500) upang mabuo ang vacuum cleaner.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with