^

Punto Mo

Inutang eight years ago, masisingil pa ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ko pa bang singilin ang 80,000 pesos na ipinautang ko? May promisory note naman ako mula sa pinautang ko pero 2016 pa po ‘yung utang. Napadalhan naman po ng demand letter ‘yung may utang sa akin pero noong 2020 pa iyon at wala na akong ginawa pagkatapos.  — Glen

Dear Glen,

Wala namang batas na nagbabawal sa paniningil kung gagawin naman ito sa maayos na pamamaraan kaya kahit ilang taon pa man ang utang ay maaring maningil ang isang nagpahiram ng pera. Ang mahalagang tanong lang ay kung makakapagsampa pa ba ng kaso ang isang pinagkautangan kung ilang taon na ay hindi pa rin siya nababayaran para sa halagang hiniram.

Puwede ka pang magsampa ng kaso dahil nabanggit mo na may promisory note ang umutang sa iyo. Ayon sa Article 1144 ng Civil Code, may 10 taon para magsampa ng kaso base sa mga written contract o mga kasunduang nakasulat.

Nakatulong din na nakapagpadala ka ng demand letter.

Nakasaad kasi sa Article 1155 ng Civil Code na ang prescription, o ang pagpatak ng panahon para makapagsampa ng kaso, ay humihinto kapag may written o nakasulat na demand na ipinadala sa may utang. Mababasa rin sa kaso ng Overseas Bank of Manila vs. Geraldez, et al. (G.R. No. L-46541, December 28, 1979) na magsisimula muli ang pagbibilang ng prescription sa sandaling makapagpadala ng demand letter at matanggap ito ng may utang.

Ibig sabihin, mula noong napadalhan mo ng demand letter ang may utang sa iyo ay nagsimula uli ang panibagong pagbibilang ng 10 taon para ikaw ay makapagsampa ng demanda.

DEBT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with