^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming ­nagugutom, dami ring ­naaaksayang kanin

Pang-masa
EDITORYAL - Daming ­nagugutom, dami ring ­naaaksayang kanin

NAKAKAGIMBAL na 300,000 metriko tonelada ng bigas ang naaaksaya taun-taon. Sa dami nito, puwede nang pakainin ang mga taong palaboy sa kalye at baka sumobra pa. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, dahil sa dami ng nasasayang na bigas o kanin, balak niyang magpanukala ng batas na magsilbi ng kalahating cup ng kanin para maiwasan ang pag-aaksaya. Panahon na raw para maging responsible ang mamamayan upang hindi masayang ang kanin.

Ipinahayag ni Philippine Rice Research Institute (PhilRice) development communication division head Hazel Antonio-Beltran, mula 2018 hanggang 2019 ang nasasa­yang na kanin araw-araw ay 53 grams sa bawat ­tahanan. Nararapat na raw aniyang magpasa ng batas para maiwasan na ang pag-aaksaya sa kanin. Ayon kay Beltran, siyam na probinsiya, 21 lungsod at 17 bayan ang nagpasa na ordinansa na nag-uutos sa mga food establishments na mag-serve ng kalahating cup ng kanin. Sa pamamagitan ng ordinansa, naiiwasan ang pag-aaksaya sa kanin.

Noong nakaraang taon, sinabi rin ng isang ­opisyal ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) na dalawang kutsara ng kanin bawat araw ang nasasayang taun-taon. Ayon kay Dr. Karen Barroga, executive director ng DA-PhilRice, sa dalawang kutsarang kanin na nasasa­yang araw-araw, nagkakahalaga ito ng tinatayang P7.2 billion bawat taon. Ang nasasayang na kanin ayon pa kay Barroga ay maaaring magpakain ng 2.5 milyong Pilipino.

Ayon pa kay Barroga, marami sa mga Pinoy ang takaw-mata. Oorder nang maraming kanin subalit hindi naman uubusin. Kailangan daw magkaroon ng disiplina na kung gaano lamang karaming kanin ang kayang ubusin ang dapat orderin para hindi nasasa­yang. ­Hiling ni Barroga na ipatupad ng local government units (LGUs) ang ordinansa na pagbibigay ng mga restaurant ng kalahating cup ng kanin para maiwasan ang pag-aaksaya sa kanin.

Ang mga nasasayang na kanin ay karaniwang nanggagaling sa mga fastfood restaurants lalo na ang mga nag-o-offer ng “unli-rice”. Ayon sa report, mara­ming kanin mula sa mga restaurant ang humahantong lamang sa mga basurahan. Kadalasan, may nga inorder na kanin na halos hindi nabawasan at itinapon na. Napupuno ang basurahan ng mga tinapong kanin na dapat ay napakinabangan ng mga nagugutom na Pilipino.

Sa nangyayari na napakaraming kanin ang nasasayang, dapat itigil na ang promo ng mga restaurant na “unlimited rice”. Dahil sa unli rice, daming nasasayang. Gumawa rin ng batas na mag-serve ng kalahating cup ng kanin. Malaki ang maitutulong ng mga ito para hindi maaksaya ang kanin. Kung walang masasayang na kanin, maaring hindi na mag-import ng bigas ang bansa.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with