^

Punto Mo

‘Flashlight’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HATINGGABI nang tumama ang malakas na bagyo sa aming lugar. Siniguro ni Itay na mayroong baterya ang aming flashlight. Bukod sa dati nang karga, mayroon pang ekstrang baterya para kung sakali at mapundi ay mayroon kaming gagamitin. Kahit may kamahalan ang baterya, naglaan si Itay ng pera. Mas mahalaga na may ekstrang baterya ang flashlight.

Hatinggabi nang humampas ang malakas na hangin at ulan sa aming lugar. Kahit na itinali na namin ang aming bahay at nilagyan ng suhay, umuuga pa rin dahil sa lakas ng hangin.

Sabi ni Itay, maaaring mawasak ang bahay at madisgrasya kami. Kailangan kaming lumikas sa mataas na lugar. Kailangang gawin namin iyon sa lalomg madaling panahon.

Nagpasya si Itay. Si Inay muna at ang nakababata naming kapatid ang inilabas niya ng bahay. Itinali niya sa leeg ang flashlight. Nailabas ni Itay sina Inay at kapatid ko sa mataas na lugar.

Binalikan kami ni Itay. Dalawang kapatid ko ang inilabas. Sinagasa ang unos. Nanatili ang flashlight na may sindi sa dibdib ni Itay. Nadala ang dalawa kong kapatid sa ligtas na lugar.

Binalikan kami ni Itay. Sinagasa namin ang unos at karimlan gamit ang flashlight. At nakapagtataka na hindi naubusan ng battery sa buong magdamag ang flashlight. Nanatiling maliwanag at naligtas kaming lahat sa sakuna.

Hindi ko malilimutan ang karanasang iyon at ang flashlight.

FLASHLIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with