^

Punto Mo

Babae na ipina-tattoo si Madonna sa kanyang katawan nang maraming beses, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae ang nakapagtala ng world record dahil sa ilang beses nitong pagpapa-tattoo ng mukha ng singer na si Madonna sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na si Tara Berry ng Topeka, Kansas ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Tattoos of the Same Musician on the Body (female)”. Ito ay dahil mayroon siyang 18 Madonna tattoo sa kanyang katawan.

Taong 2016 nang unang nagpalagay ng Madonna tattoo si Berry. Ito ay matapos mag-anunsyo si Madonna na kailangan niya ng isang fan na may tattoo niya para sa isang music video. Ngunit dahil hindi agad natapos ang tattoo, hindi nakasali si Berry sa naturang music video. Pero hindi naging dahilan ito para itigil na niya ang pagpapa-tattoo ng mukha ni Madonna sa kanyang katawan. Nadagdagan pa ito nang nadagdagan hanggang umabot sa 18.

Sa kasalukuyan, wala pang balak si Berry na itigil ang pagpapa-tattoo ng mukha ni Madonna. Umaasa rin siya na maipapakita niya ito balang araw sa kanyang paboritong singer.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with