^

Punto Mo

Maid of Honor (130)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, maagang-maaga ay nagpaalam na si Rocky kay Inah. Kailangan daw lumuwas na siya ng Maynila dahil mayroong aasikasuhin.

“Sasabihin ko na po kina Kuya Honor ang mga nangyari, Kuya Rocky?’’

“Ako na ang magsasabi sa kanya. Tatawagan ko siya. Ipaliliwanag ko rin ang lahat kung bakit ako nawala at napabalitang napatay ng sindikato.’’

“Sige po Kuya Rocky. Maraming salamat.’’

“Sabihin mo sa Itay mo na umalis na ako. Kung mayroon kang problema, i-text o tawagan mo lang ako, Inah.’’

“Opo Kuya Rocky.”

Umalis na si Rocky.

Habang papalayo ay tinatanaw ni Inah si Rocky.

MAKALIPAS ang ­dalawang araw, dumating sina Honor, ­Bianca at Yana sa ospital. Gulat na gulat si Inah. Hindi niya akalaing darating sina Honor.

“Tinawagan ako ni Rocky at hiniling na magkita kami. Hindi ako makapaniwala dahil ang alam ko napatay siya ng sindikato. Sinabi niya sa akin na ginawa iyon para lansihin ang sindikato at nang mahuli lahat ang mga ito. Nagtagumpay naman dahil napatay na ang lider. Wala nang problema. Sinabi rin ni Rocky na pinagkalooban ka ng reward. At tamang-tama na may nagamit para sa operasyon ng inyong ina.’’

“Opo Kuya Honor. Problemado nga kami ni Itay kung saan kukuha ng pera para sa operasyon.’’

“Bakit hindi ka tumawag sa akin—o kay Yana?’’ tanong ni Honor.

“Litung-lito ako Kuya.’’

“Mabuti na lang pala at dumating si Rocky at may dalang magandang balita.’’

“Oo nga Kuya.”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with