^

PM Sports

Gilas Pilipinas salang agad sa matinding workout

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang Gilas Pilipinas na sumalang agad sa pukpukang ensayo sa unang araw ng training camp nito sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Sumailalim agad sa dalawang court practices ang Gilas kasama pa ang gym workout para mabilis na makuha ng tropa ang perpektong kundisyon.

Matatapos ang training camp ng Gilas sa Calamba ngayong araw bago bumalik sa Maynila para sa tuneup game ng Pinoy squad kontra sa Taiwan Mustangs sa Lunes sa Philsports Arena.

Bangas ang lineup ng Gilas Pilipinas dahil wala si reigning PBA MVP Scottie Thompson na nagpapagaling pa sa kanilang back injury.

Wala pang pinapangalanan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung sino ang papalit sa puwesto ni Thompson.

Puwede namang pu­malit sa point guard position sina Chris Newsome, CJ Perez at Dwight Ramos dahil nagawa na ito dati.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with