^

Punto Mo

Bata na mabilis magbalat ng orange, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 11-anyos na bata sa England ang nakapagtala ng world record dahil sa angking bilis nito sa pagbalat ng Mandarin orange!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Taylor Camp ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Mandarins Peeled in One Minute (under 16 years old)”. Ito ay matapos siyang makapagbalat ng apat na mandarin orange sa loob ng 1 minuto.

Inere nang live ang record attempt ni Camp sa online program na Dave Berry Breakfast Show. Sa mga practice run ni Camp, nagawa niyang makapagbalat ng walong ­oranges ngunit nang isinalang na siya sa on-air actual attempt, apat na lang ang kinaya niyang balatan.

Ayon sa ina ni Camp, ­naging eksperto sa pagbabalat ang kanyang anak dahil madalas silang may mandarin orange sa bahay at paborito niya itong prutas.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with