^

Punto Mo

‘Salamin’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 3)

ITINAGO ko sa aking cabinet ang napulot na salamin. Inilagay ko sa pagitan ng aking mga damit para masigurong hindi marurumihan at magagasgasan. Malaki ang paniwala ko na ang may-ari ng salamin ay maykaya sa buhay.

Nagtataka naman ako kung paano nahulog sa may-ari ang salamin. Sa isang Saudi kaya ang salamin o sa isang American na naglalakad din sa lugar.

Puwede rin namang nalaglag ang salamin habang nasa sasakyan ang may-ari. Nasa sidewalk ang salamin.

Ang ikinatakot ko, baka ang salamin ay ninakaw at sa pagmamadali ng suspect ay nalaglag sa kanya.

Kung ganun ang nangyari, posibleng masangkot ako. Baka ako pa ang pagbintangan na nagnakaw.

Hindi ako mapakali. Ibalik ko na lang kaya ang salamin sa lugar na kinapulutan.

Nasa ganun akong pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Kinabahan ako.

Binuksan ko. Ang kasamahan ko sa trabaho.

“May tawag ka sa phone. Galing Pinas!”

Noon ay lumang phone pa ang gamit. Wala pang cell phone.

Dali-dali akong nagtungo sa lobby para sagutin ang phone.

Ang asawa ko ang nasa kabilang linya. May masamang balita.

(Itutuloy)

vuukle comment

SALAMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with