^

Punto Mo

Pinoy sa Japan, itinuring na ‘superhero’ matapos sagipin ang batang nalulunod!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Pinoy na nasa Fukuoka, Japan ang hinangaan ng mga Japanese netizens dahil sa pagligtas nito sa buhay ng isang batang nalulunod!

Noong Hunyo 16, may isang Japanese family na nag-fishing outing sa Hakozaki Wharf, isang sikat na recreational fishing spot sa mga residente ng Fukuoka. Bandang 5:10 p.m., napahiwalay ang bunsong lalaking anak ng naturang pamilya at aksidente itong nahulog sa dagat habang naglalakad sa bingit ng wharf.

Dahil hindi ito beach at isa itong industrial area, 6.6 feet ang taas ng pinaghulugan ng bata papunta sa dagat. Nang mga sandaling iyon, isang 26-anyos na Pinoy na kasalukuyang nasa lugar ng insidente. Nang makita nito na nahulog ang bata, agad itong tumalon sa dagat para iligtas ito.

Ligtas na naibalik ang bata sa kanyang pamilya at parehas walang natamong injury ang bata at ang Pinoy na nagligtas dito. Napag-alaman ng mga awtoridad na ang Pinoy ay nakatira ngayon sa Japan dahil sumasailalim sa isang technical trainee program.

Gusto sanang alamin ng mga magulang ng sinagip na bata ang buong pangalan at address ng pinoy dahil gusto nilang parangalan ito at bigyan ng maliit na pasasalamat. Ngunit sumagot ang Pinoy sa lengguwaheng Hapones ng: “Nanoru hodo no mono de wan nai” na ang ibig sabihin ay “Hindi ako ganoon ka-importante para malaman ng mga tao ang pangalan ko”.

Nag-viral sa Japanese netizens ang mga sinabing ito ng Pinoy dahil sa lengguwaheng Hapones ay hindi pangkaraniwang ginagamit ang mga katagang sinabi nito. Mga samurai at superhero ­characters sa anime at komiks lamang kasi nagsasalita sa ganitong paraan.

Pero maraming ­suma­ng-ayon na bagay lamang ito sa Pinoy dahil para sa kanila ay isa itong real life superhero sa pagligtas ng buhay ng isang bata.

vuukle comment

HERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with