^

Punto Mo

Wala na bang habol kapag may waiver na pinirmahan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney

May pinapapirmahang waiver po ang eskuwelahan ng anak ko sa mga magulang ng mga estudyante na sasama sa field trip. Iniisip ko lang kung wala ba talagang magi­ging pananagutan ang eskuwelahan kung may mangyari sa field trip? Ayoko kasing pumirma kung ibig sabihin ng pagpirma ng waiver ay wala na silang magiging responsibilidad sa anak ko.— Ria

Dear Ria,

Bagama’t kinikilala naman ang mga waiver sa ilalim ng ating batas, hindi pa rin sapat ang pagpapapirma nito sa mga magulang para makaiwas ang mga paaralan mula sa responsibilidad nila sa kanilang mga estudyante.

Sa ilalim ng ating batas, may tinatawag na “special parental authority” ang mga paaralan sa kanilang mga mag-aaral. Ibig sabihin, tumatayong magulang ang eskuwelahan sa kanilang mga mag-aaral habang ang mga ito ay nasa ilalim ng kanilang pangangalaga.

Maari lamang makaiwas sa pananagutan ang eskuwelahan kung mapapatunayan na lubos nilang ginampanan ang kanilang responsibilidad na katumbas ng “proper diligence of a good father of a family” o pag-iingat ng isang mabuting ama ng pamilya at ginawa nila ang lahat ng paraan upang maiwasan ang disgrasya.

Dahil malinaw ang ating batas sa responsibilidad ng eskuwelahan, hindi sila makatatakas sa pananagutan dahil lamang sa pinirmahang waiver ng mga magulang. Kaya pumirma man ang mga magulang sa waiver o hindi, kailangan pa ring gampanan ng eskuwelahan ang obligasyon nito sa kanilang mga mag-aaral na panatilihin silang ligtas sa anumang peligro o panganib.

DEAR ATTORNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with