^

Punto Mo

Ang naipong barya

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG batang babae ang nagtangkang sumali sa Sunday school sa Philadelphia Pennsylvania ngunit tinanggihan ito dahil sikip na ang silid-aralan. Ang bata ay nalungkot. Mula sa mahirap na pamilya ang bata pero naisip niyang mag-ipon ng pera upang pagdating ng araw ay makapagpagawa ang kanilang church nang malaking classroom. Kung malaki ang classroom, wala nang bata pang tatanggihan na maka-attend ng Sunday school.

Araw-araw ay nagtatabi siya ng pera mula sa kanyang allowance sa school. Ngunit isang araw siya ay nagkasakit at namatay. Sa ilalim ng kanyang unan ay natagpuan ng ina ang 57 pennies na nakatago sa supot na damit. May kasama itong kapirasong papel kung saan nakasaad ang mga sumusunod: Ipon ko para pampagawa ng mas malaking classroom upang mas maraming bata ang makadalo sa Sunday school.

Dinala ng ina ang 57 pennies sa Pastor kasama ang mensahe ng bata kung para saan ang perang naipon nito. Na-pick up ito ng isang reporter ng newspaper kaya kumalat ito sa buong Pennsylvania. Maraming nabagbag ang kalooban kaya nagsimulang magpadala ng pera sa parish church ang mga tao upang ituloy ang project na pinapangarap ng bata.

Mula sa 57 pennies ay itinayo ang Sunday school na may sitting capacity na 3,300 people; nagkaroon ng University upang ma-accommodate ang mahihirap na estudyanteng nais magkolehiyo at ospital para sa walang pambayad.

Nagsimula ang lahat ng ito sa unselfish and dedicated attitude ng isang bata na pinagdamutan ng pagkakataong maka-attend ng Sunday school.

 

COINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with