Pinakamalaking chalk sa buong mundo, nilikha ng mga estudyante sa Oregon
ISANG grupo ng mga estudyante sa isang kolehiyo sa Oregon, USA ang maaring nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos nilang likhain ang isang dambuhalang piraso ng chalk na aabot sa 6 na talampakan ang taas.
Ayon sa mga mag-aaral ng Reed College, mismong mga taga-Guinness ang kumuha ng sukat sa higanteng chalk na kanilang ginawa at napag-alamang higit sa anim na talampakan ang taas nito.
Hinihintay pa ng mga estudyante kung opisyal na ba nilang nakuha ang world record na dating naitala ng mga taga-Pittsburgh High School noong 2010 nang makagawa sila ng isang piraso ng chalk na 5 talampakan at 11 pulgada ang taas.
- Latest