^

Punto Mo

Sampolan ng Comelec ang mga lumalabag na kandidato

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAY nakita na ang Co­melec na kandidatong lumabag umano sa pangangampanya.

Nabisto na may ginagawang pa-contest ang senatorial candidate na si Jamby Madrigal ng Liberal Party o Team P-Noy. Namamahagi ng I-pad mini si Madrigal sa social networking site para makuha ang atensiyon ng publiko.

Labag ito sa Fair Election Act kaya humingi ng paumanhin si Madrigal at sinabing hindi raw niya ito personal na kagagawan kundi ng kanyang volunteers. Pero puwede na ba sa Comelec ang sorry? Mananahimik na lang ba ang Comelec at puro press release na iimbestigahan ang kasong ito?

Umamin at humingi ng paumanhin si Madrigal pero hanggang dito na lang ba dahil kandidato siya ng administrasyon.

Sana sampolan ng Comelec si Madrigal upang magsilbing babala sa lahat ng kandidato na kahit pa nasa administrasyon ay hindi nila paliligtasin.

Kung tutuluyan ng Comelec si Madrigal, mawawala ang agam-agam ng ilan na baka maging malambot ang Comelec sa mga kandidato ng administrasyon.

May mga kumakalat na balita na ang paghihigpit daw ng Comelec ay para lang sa mga kalaban ng administrasyon. Makabubuting sa umpisa pa lang, agad  magpakita ng bangis ang Comelec para magsitino ang mga kandidato. Kaugalian na kasi ng mga Pinoy na habang nakakalusot ay sige nang sige pero pag alam na sila ay totohanin, nagsisitino ang mga ito.

Umaasa ako na magiging mapayapa at malinis ang eleksiyon sa Mayo at ang pinaka-mahalaga, mawawala na ang pandaraya ng ilang pulitikong mayayaman na may may kapangyarihang maniobrahin ang resulta ng eleksiyon.

COMELEC

FAIR ELECTION ACT

JAMBY MADRIGAL

KAUGALIAN

LABAG

LIBERAL PARTY

MADRIGAL

MAKABUBUTING

TEAM P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with