^

Punto Mo

Pinaka-malungkot si Chief Supt. Melad

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG nasibak na hepe ng PRO4-A na si Chief Supt. James Melad ang masabi nating pinakamalungkot na nilalang sa hanay ng kapulisan natin sa ngayon. Bunga sa loss of confidende na dahilan sa pagsibak sa kanya ni Pres. Aquino, nasama na dito ang pangarap ni Melad na maging PNP chief siya. Malakas kasi ang ugong sa Camp Crame na itong si Melad ang manok ni Sen. Ping Lacson para pumalit ke PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sa pagretiro n’ya. Subalit dahil sa “shootout,” “rubout” o “ambush” sa Atimonan, Quezon kung saan 13 katao, kabilang na ang gambling lord na si Vic Siman ang napaslang, nalusaw na parang bula ang pangarap ni Melad. Maliwanag naman kasi na jueteng ni Tita Dinglasan sa Calamba City sa Laguna, ang ugat sa shootout. Mukhang pinaslang si Siman at isa pang gambling lord na si Engel para lang masolo ni Dinglasan ang jueteng operation sa siyudad nga. At habang nagkakagulo ang PNP, at NBI sa imbestigasyon sa kaso sa Atimonan, tuloy naman ang jueteng ni Dinglasan, ayon sa mga kosa ko sa Calabarzon. Si Sen. Lacson naman pilit na inaaway si Sen. Miriam Defensor para matabunan ang isyu ukol sa Atimonan shootout nga. Pero sa tingin ng mga kosa ko, habang di pa natatapos ang probe ng NBI sa kaso, palaging nasa front page ng diyaryo, TV at radio itong kaso. Sorry na lang sa diversionary tactics ni Sen. Lacson. Sana ‘wag ng sagutin ni Santiago itong mga patutsada ni Lacson para matutok tayo sa Atimonan incident. Get’s nyo mga kosa?

Hindi ko naman masabi na pinakamasaya sa PNP itong si SPD director Chief Supt. Benito Estipona kahit na napirmahan na ni Purisima ang order niya na palitan si Melad. Subalit puede na nating sabihin na masaya siya bunga sa ang pagsang-ayon na lang ng Comelec ang hinihintay niya. Sa pag-upo ni Estipona, siguro ang dapat unahin niyang wasakin ay ang jueteng ni Tita Dinglasan para mailayo ang sarili niya sa malas, tulad ng inabot ni Melad. Kapag nagpatuloy kasi ang jueteng ni Dinglasan, ibig sabihin ibinilin ito ni Melad sa kanya at ang babayuhin ng media ay itong si Estipona.

Ang naiinip naman sa hanay ng PNP natin ay itong si CIDG chief Dir. Sammy Pagdilao Jr. na nais nang mag-non duty status o NDS. Tuwing papasok kasi sa opisina niya, ang unang tanong ni Pagdilao sa staff niya ay kung me napili ng papalit sa kanya. Ang mga matunog na kandidato sa CIDG ay itong sina Dir. Gil Meneses, Chief Supts. Nap Estilles at Ed Ladao. Si Meneses ay bata ni Interior Sec. Mar Roxas, si Estilles ang ke Purisima at si Ladao naman ang ke Pres. Aquino. Kapag wala pang papalit ke Pagdilao sa linggong ito, tiyak ang deputy niya na si Chief Supt. Federico Castro ang uupong OIC ng CIDG.

Ang the most hated naman na opisyal ng PNP ay si Sr. Supt. Rhodel Sermonia, ang bagman ni Pagdilao. Mainit ke Sermonia ang mga staff ng CIDG dahil hindi naibigay ng buo ang weekly allowance nila, pati na ang sa mga “friends” ni Pagdilao. Totoo ba na me pinapagawang malaking bahay sa Tagaytay itong si Sermonia? Doon kaya napupunta ang nasunog na pitsa? Anong say n’yo mga kosa? Abangan!

ATIMONAN

CHIEF SUPT

DINGLASAN

ITONG

LACSON

MELAD

PAGDILAO

TITA DINGLASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with