^

Punto Mo

Comelec gun ban

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGSIMULA na kahapon ang gun ban ng Commission on Elections katuwang ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Pero hindi naman ganun ka-epektibo dahil ang saklaw nito ay ang mga may lisensiya at may permit to carry na sumusunod sa batas.

Ang mga kriminal ay hin­di naman susunod sa gun ban at kung sila ay aatake sa kanilang biktima ay walang pakialam sa Comelec gun ban. Ang asahan natin na mahuhuling lalabag sa gun ban ay mga matatawag na small time lang na mamamayan dahil nakasukbit sa kanilang baywang ang baril.

Pero sa mga bigtime na kriminal na mayroong gamit na sasakyan ay asahan natin na malabo silang mabulilyaso.

Batay kasi sa patakaran sa checkpoint ay ‘yung nakikita lang ang puwedeng sitahin ng mga pulis pero hindi puwedeng halug­hugin ang buong sasakyan maliban na lang kung ito ay pahintulutan  ng may-ari.

E sa mga professional na kriminal ay hindi naman sila mga tanga para idisplay ang kanilang baril at siyempre ay matatalino ang mga ito kung saang lugar mayroong checkpoint.

Sana ay maging maingat mismo ang mga otoridad sa pagsasagawa ng checkpoint at huwag nilang ituring na parang kriminal ang bawat motorista. At huwag magpadalus- dalos sa halip ay matiyak na mapoprotektahan ang interes ng publiko.

Alamin naman ng mamamayan ang kanilang katapatan at ang tamang checkpoint ng PNP at Comelec sa mga estratehiyng lugar.

Ang mga pangunahing kailangan lang ay ang tiyaking naka-uniporme sa isang maliwanag na lugar at mayroong marked vehicle ang mga pulis at sundalo na nagsasagawa ng checkpoint.

Tiyak na hindi kukunsintihin ni PNP chief Director General Alan Purisima ang mga abusadong pulis sa checkpoints. Mas magiging madali ang trabaho ng PNP sa pagsasagawa ng election sa bansa ay ang pagresolba sa loose firearms na ugat ng problema sa peace and order.

Magiging matagumpay ang eleksiyon at maidaos ng mapayapa kung makikipagtulungan ang lahat ng sangkot dito lalo na ang mga kandidato na madalas pag-ugatan ng kaguluhan at karahasan.

 

ALAMIN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATAY

COMELEC

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

MAGIGING

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with