^

Punto Mo

Kahit pag-gawa ng batas, uso-uso lang

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NGAYON ay may ilang grupo at pulitiko kabilang ang simbahang katoliko ang  nag iingay na naman para daw sa total gun ban na may kinalaman din sa pagkamatay ng 7 anyos na si Stephanie Nicole Ella sa Caloocan City dahil sa ligaw na  bala at ang pag-aamok sa Kawit, Cavite na ikinamatay ng kabuuang 8 katao kabilang ang pangunahing suspek.

Panahon na daw upang ipatupad ng gobyerno ang total gun ban sa mga sibilyan o pribadong indibidwal at ang maaari na lang magdala ng baril ay ang mga pulis at sundalo o may kinalaman sa seguridad.

Eh papano naman ang mga responsableng gun owner sa pri-bado na ang tanging nais lang naman ng mga ito ay maprotektahan ang sarili laban sa mga pusakal na criminal at mga drug adik na kapag nasangkot sa krimen at lubhang karumal-dumal.

Kung tutuusin kung mayroon ngang may baril sa mga biniktima o residente doon ng nag-amok na si Ronald Bae ay baka hindi na dumami pa ang nabaril at napatay ng suspek.

Ipinaliwanag  ng ilang mga Obispo ng simbahang katoliko na dapat ay magsagawa ng mahigpit na pagkontrol sa pagmamay-ari ng baril sa mga sibilyan  at ipatupad daw ang total gun ban.

Sinuportahan din ito ng ilang mga pulitiko na nagsasabing dapat ay mga pulis at sundalo lang daw ang dapat na may karapatan ng magdala ng baril.

Eh papaano naman kasi ang mga pulitikong ito ay may sariling mga bodyguards at may maaaring magtatagol o magbibigay ng seguridad sa kanila pero papaano ang mga pangkaraniwang mamamayan na hindi naman kayang bantayan at protektahan ng ating pulis at sundalo.

Ang mga Obispo naman ay malayo sila sa mga posibleng pagbiktima ng mga criminal dahil nga sila ay taong simbahan kung kayat hindi nila kailangan ang armas o baril.

Sana iniisip din ng mga Obispo at ilang pulitiko na nais magpatupad ng total gun ban ang mga nangyayaring karumal dumal na krimen o pagmasaker sa ilang mga inosenteng pamil­ya dito sa Metro Manila na lamang at karatig probinsiya.

Marahil kung may mga baril ang mga namasaker ay baka hindi sila naubos ng mga criminal at patay pa ang suspek.

Ang mas magandang gawin ng gobyerno ay higpitan na lamang ang pag-iisyu ng lisensiya at permit to carry sa sinumang indibidwal na tiyaking sila ay may wastong kakayahan at responsable sa paghawak ng baril o armas na nakamamatay.

Sa mga ligaw na bala sa tuwing pagsalubong ng bagong taon ay hindi lang naman mga sibilyan bagkus ay mismong ilang pulis at sundalo ang mas may lakas ang loob na magpaputok ng walang habas.

Kapag kaya na ng gobyerno protektahan ang lahat ng mamamayan ay saka ipatupad ang total gun ban sa mga sibilyan pero sa ngayon ay kakaunti na lang ang mga pulis batay sa ratio ng mamamayan ay mabagal pa silang rumesponde ay papaano na ang kalagayan ng publiko..

 Ang masaklap dito sa Pilipinas ay uso uso lang kahit sa pag gawa ng batas dahil sa may namatay sa stray bullet at may nag amok na may napatay din ay gustong ipatupad ang total gun ban pero kapag may namasaker na naman ay baka bawiin ito ay may magpanukala na armasan na lang ang mga sibilyan na siyang sasakyan naman ng mga pulitiko.

Huwag paglaruan ang pagbalangkas ng batas dahil napakaraming mga batas na isinagawa pero kabaliktaran ang nakuhang benepisyo ng taumbayan sa halip na kabutihan ay pahirap lang.

 

BARIL

CALOOCAN CITY

GUN

LANG

METRO MANILA

NAMAN

RONALD BAE

STEPHANIE NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with