^

Punto Mo

Q & A with Dra. Bettinna

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

Feeling doktor ako ngayong araw na ito. Sasagutin ko ang mga katanungan sa tulong ng aking mga kaibigang kumukuha ng medisina.

“Totoo bang lumalaki ang paa habang tumatanda at kapag nabubuntis ay lumalaki ng one inch ang paa?” Kapag buntis ay minamanas at maaaring lumaki ang paa dahil sa water retention, hindi naman sa lahat ay nangyayari ito. Ako hindi lumaki ang paa matapos manganak kay Gummy. Ngunit noong nagdadalantao ako ay lumapad ang paa ko. Pero sabi rin nila na posibleng habang tumatanda ay lumalapad ang paa dahil nagpa-flat ang mga arko ng paa dahil sa mga kalamnang gamit na gamit na rin sa paglalakad. Ang resulta ay mas mahaba at mas malalapad na paa. Ang mga overweight at mga diabetic ay mas prone sa ganitong paglaki ng paa dahil hindi kinakaya ng mga paa ang kanilang timbang.

“Bakit kapag sumasakay ng roller coaster parang umaangat ang sikmura ko at ang weird ng pakiramdam?” Ang ating stomach at intestines ay mistula ring lumilipad kapag pabagsak na tayo mula sa pinakamataas na bahagi ng ride. Kung ano ang galaw natin na parang umaangat din ang ating mga puwet ay ganoon din ang nangyayari sa loob natin. Iyon nga lang, mayroon tayong seat belt kaya napapanatili tayo sa ating pagkakaupo. Pero lipad din ang nasabing organs. Float din sila. Bumabalik din naman sila sa puwesto pagkatapos sumakay kaya huwag mangamba.

“Bakit kahit nag-braces at retainers ako noong bata ako eh parang nami-misalign pa rin ang mga ngipin ko? Habambuhay ba dapat ang braces?” Habang tumatanda tayo ay gumagalaw at nababawasan ang mga buto sa ating bagang, na responsable sa alignment ng ating ngipin. Kaya hindi garantiya ng braces ang perfect teeth hanggang pagtanda. Lalo na kung ikaw ay naninigarilyo o may problema sa gilagid, mas lalala ang paggalaw ng mga ngipin mo.

“Saan nanggagaling ang tunog sa tiyan kapag nagututom ka na?” Ang tunog ng kumakalam na sikmura ay gawa ng digestive juices at muscles ng tiyan dahil magtutunaw na ng kakainin. Kaya, kumain ka na at huwag magpapalipas ng gutom dahil ang stomach lining ng tiyan mo ang kinakain nila!

“Bakit mas mabaho ang pawis sa kilikili kaysa sa pawis sa ibang bahagi ng katawan tulad ng sa likod at hita? Bakit kapag pinapawisan ay kilikili lang ang bumabaho?” Iba ang sweat glands sa kilikili at sa ibang parte ng katawan. Ang sweat glands na nasa likod at binti ay naglalabas ng tubig at asin. Samanatalang sa kilikili ay may nare-release din na oil na nakakaakit sa mga bacteria. At ang naaamoy mo ay hindi ang pawis, kundi bacteria na kumakain ng oil na inilalabas ng iyong kilikili.

 

 

BAKIT

BUMABALIK

DAHIL

DIN

HABAMBUHAY

HABANG

KAYA

PAA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with