^

Punto Mo

Nagkaroon na ng leksiyon

LARGABISTO - Elly Saludar - Pang-masa

MASASABI kong unti-unti nang natututo ang mga Pilipino pag may dumarating na ma­lakas na bagyo. Sa dumating na bagyong “Pablo” masasabing mayorya ng mga Pinoy na maaapektuhan nito ang naghanda. Nakikinig na sila sa payo ng mga otoridad para lumikas.

Ang isa sa masasabing nagkaroon ng leksiyon ay ang mismong gobyerno dahil mula sa national government hanggang sa pamahalaang lokal ay malawakan ang preparasyon.

May ilang namatay dahil nabagsakan ng puno at nadulas sa hagdan habang nananalasa ang bagyong “Pablo”.

Sa pangunguna ni President Aquino ay maayos ang preparasyon ng mga opisyal. Nabigyan ng ayuda ang mga naapektuhan ng bagyo.

Ang dapat silipin naman ngayon ni P-Noy ay kung tama ang mga kagamitan sa pagresponde sa kalamidad. Halimbawa ay paggamit ng rubber boats dito sa Metro Mamila. Batay sa pag aaral, hindi akma rito sa Metro dahil masisira lamang.

Bakit karamihan sa ilang local na pamahalaan ay ito ang nais pa ring gamitin? Dahil may magandang kasunduan sa supplier nito?

Sa mga probinsiya ay maayos na ang sistema. Asahan na lalo pa itong bubuti upang mabawasan ang anumang pinsala sa kalamidad.

Dito sa Metro Manila dapat maging handa ang gobyerno at mamamayan sa pagdating ng kalamidad. Maraming matitigas ang ulo sa MM. Ayaw lumikas kahit delikado. Ang gusto ng ilan ay kung kailan nandiyan na ang bagyo at malaking baha saka lilikas. Hindi lang ang gobyerno ang dapat handa kundi ang mamamayan mismo upang maiwasan ang mga kalamidad.

 

ASAHAN

AYAW

BAKIT

BATAY

DAHIL

DITO

METRO MAMILA

METRO MANILA

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with