^

Punto Mo

Political dynasty sa party-lists

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MUNTIK na akong bumilib sa Comelec na pinamumunuan ni Chairman Sixto Brillantes dahil sa paglilinis sa party-list groups na totoong nababoy.

Ang pangunahing kuwalipikasyon ng isang party-list group ay kung ito ay totoong kumakatawan sa marginalized sector upang magkaroon ng tinig sa Kongreso. Maraming natapyas sa mga party-list. Noong 2007 elections ay 153 ang party lists groups at naging 187 noong 2010 elections.

Ipinagmamalaki ngayon ng Comelec na naibaba nila ito sa 100 partylist groups na sasabak sa 2013 elections. Marami ang diniskuwalipika kahit pa ito ay incumbent o accredited na noong nakaraang eleksiyon.

Totoong kailangang linisin ang party-list system dahil masyado itong nababoy. Kung sinu-sinong grupo na lang. Basta’t maisipan na magtayo ng grupo ay agad lalahok sa eleksiyon. Ang pinaka-matinding pambababoy na ginagawa ngayon ay mismong mga pulitiko at kaanak nito ang bumubuo ng party-list group. Mayayaman sila kabaliktaran sa hinihinging kuwa­lipikasyon. Ngayon kahit natapyasan ang bilang ng party-list groups, magkakamag-anak ang nominado. Ang ilan ay mula sa pamilya ng mga pulitiko na maimpluwensiya.

Ang mga inaprubahan ng Comelec na magkakamag-anak ang nominees ay: Ang Mata’y Alagaan (AMA) na pamilya ni Supreme Court Associate Justice Presbiterio Velasco Jr.; ADA na ang nominee ay si dating Ilocos Sur Rep. Eric Singson; ABSI na ang nominees ay mga pamangkin ni dating Quezon City Rep. Mary Ann Susano na sina Vanessa Rose, Maricel Francisco at Michael Ryan Francisco; AGBIAG  Timpu-yog Ilocano Inc. nins Patricio T. Antonio at Jose Antonieto Antonio; Ang Laban ng Indiginong Filipino nina Rep. Acmad Tumawis at anak na si Abdul kasama ang political liason na si Agakhan; ANGKLA nina Jesulito Manalo at Jose Miguel Manalo; Bagong Henerasyon nina Rep. Bernadette Cruz-Dy at asawang Edgar Allan Dy; TUCP nina Rep. Raymond Democrito Mendoza at Michael Democrito Mendoza; 1AAA Party ni dating DOTC secretary at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Alfonso Alvarez; ASBI-LAKAN nina Hermin Arceo at Ariel Arceo; OFW FAMILY ni dating Ambassador Roy Seneres Sr at anak na si Roy Seneres Jr.; PADAYON PILIPINO nina Vladimir Elazequi at Natasha Elazequi.

ACMAD TUMAWIS

ALFONSO ALVAREZ

AMBASSADOR ROY SENERES SR

ANG LABAN

ANG MATA

ARIEL ARCEO

BAGONG HENERASYON

BERNADETTE CRUZ-DY

COMELEC

EDGAR ALLAN DY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with