^

Police Metro

Duterte tanggap ang kanyang tadhana

Gemma Garcia - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

‘Do not worry, ok ako’

MANILA, Philippines — “So be it if it is my destiny.”

Ito ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang video bago lumapag ang kanyang eroplanong sinasakyan sa Rotterdam The Hague airport.

Sa video message ng dating Pangulo na pinost sa kanyang Facebook account, sinabi niya na inaasahan na niya ang mahabang legal proceeding matapos ang kanyang pagkakaaresto.

“To my countrymen, just to give you the current situation, I am about to land in The Hague. Galing ako Dubai, stopover... It’s a long haul, it’s a long flight. OK ako. Do not worry,” pahayag pa ni Duterte.

Nanindigan din si Duterte, siya ang mananagot sa mga nangyari noong nakaraan dahil siya ang naka-front sa mga law enforcement maging sa military at nangakong poprotektahan sila.

Bagama’t mahaba pa aniya ang prosesong legal na kanyang kakaharapin ay patuloy naman siyang ­maglilingkod sa bansa at kung ito ang kanyang tadhana ay mangyayari.

Samantala, nakapasok na ang dating pangulo sa Hague Penitentiary Institution o sa Scheveniangen Prison kung saan dito siya mananatili habang hinihintay ang pagdinig ng kanyang kasong crime against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ang kaso ay may kaugnayan sa war on drugs  noong panahon ng kanyang administrasyon.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with