^

Police Metro

PNP sa publiko: Mag-ingat sa paggamit ng illegal na paputok

Doris Franche-Borja - Pang-masa
PNP sa publiko: Mag-ingat sa paggamit ng illegal na paputok
Members of the Manila Police District-Station 11 check on firecracker vendors as they remind them to only sell government-allowed fireworks along Tabora Street in Divisoria, Manila.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinag-iingat na ng Phi­lippine National Police-Civil Security Group ang publiko sa paggamit ng mga illegal na paputok o pailaw na gagamitin sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay PNP CSG Director, Police Maj. Gen. Leo Francisco, la­yon nilang maging ligtas ang pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon kaya nagsisimula na silang mag-inspeksiyon sa mga tindahan ng paputok.

Personal na binisita ni Francisco ang isang pagawaan ng paputok sa Brgy. Sampaloc sa bayan ng San Rafael sa Bulacan upang masiguro na sumusunod ito sa regulasyon.

Sinabi ni Francisco na hindi biro ang posibleng aksidente at epekto ng pagsabog ng mga pabrika ng paputok kaya kailangan na pinaaalalahanan at iniinspeksiyon ang mga ito.

Nabatid kay Francisco na puspusan na ang paggawa ng mga firecrackers at mga pailaw kung saan inaasahan ding dadagsain ng mga mamimili.

Paalala ni Francisco sa publiko siguraduhin na may permit at legal ang kanilang bibilhan ng mga paputok upang maiwasan ang disgrasya.

FIRECRACKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with