^

Police Metro

Gun ban, pagbawi sa security detail ng mga kandidato sa sunod na linggo - PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Gun ban, pagbawi sa security detail ng mga kandidato sa sunod na linggo - PNP
Members of the Manila Police District Station 3 check registration forms and vaccine cards from passing motorists as they set up a Comelec checkpoint in front of the Manila North Cemetery in Sta. Cruz, Manila.
Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Sisimulan na sa susunod na linggo ng Phi­lippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng gun ban at pagbawi sa security detail ng mga kandidato para sa 2025 Mid-Term Elections.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, magpupulong sa susunod na linggo ang komite na mangangasiwa sa implementasyon ng gun ban at security preparations para sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Marbil na magsisimula ang election period kaya kailangan na gawin ang ilang adjustment upang maayos na maipatupad ang gun ban.

Binigyan diin naman ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief, PCol. Jean Fajardo na sisimulan ang pagbawi sa security detail ng mga kandidato sa sandaling matapos ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) sa Oktubre 8.

Kailangan na munang malaman ng PNP mula sa Comelec ang mga kandidato na mayroong police security at ilan ang nakatalaga sa mga ito.

Ililipat din ng assignment ang mga pulis na matutukoy na may kamag-anak na tatakbo sa kanilang kasalukuyang destino upang maiwasan ang pagkakaroon ng impluwensya.

Pagaganahin din ng PNP, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Joint Peace and Security Coordinating Center na siyang tutukoy kung may pangangailangan sa isang kandidato na mabigyan ng protective security.

GUN BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with