^

Police Metro

7 Pinoy na nahuli sa Laos cyber scam balik-Pinas na

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pitong Pilipinong kabilang sa mga naaresto sa cyber scam network sa Laos ang nakabalik na sa Pilipinas.

Sinabi ng DFA na tinutulungan na rin ang “release at extraction” ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Laos kasunod ng pag-crack kamakailan sa Golden Triangle Special Economic Zone (GTSEZ), na kilala sa mga casino at hotel na pag-aari ng mga Chinese at hinihinalang gumagawa ng mga ilegal na aktibidad.

Ayon sa DFA, ang Embahada ng Pilipinas sa Vientiane ay nakikipagtulungan  sa mga otoridad ng Laos at nagpadala ng isang team sa Bokeo upang mapadali ang pagpapalaya at pagkuha ng mga distressed na Pilipino.

Gagastusan din ng DFA ang kanilang mga flight mula Bokeo patungong Vientiane at sa Pilipinas, kabilang ang tirahan, pagkain, at mga pangunahing pangangailangan.

Magugunita na napaulat na inaresto ng mga otoridad sa Laos ang halos 800 katao na nagtatrabaho sa cyber scam network sa isang “espesyal na economic zone” sa hangganan ng Myanmar at Thailand.

Ayon pa sa ulat, ang  crackdown ay bahagi ng mas malaking pagsisikap na puksain ang mga transnational na krimen sa loob ng economic zone.

vuukle comment

CYBER SCAM

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with