^

Police Metro

Foreigner todas sa tandem na snatcher

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang banyagang lalaki nang pagbabarilin sa ulo at katawan ng dalawang snatcher na tumangay sa kanyang clutch bag,kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Inaalam pa ng Makati City Police Station, ang pagkilanlan at nationality ng nasawing biktima na inilarawang maputi, nasa 25-35 anyos, nakasuot ng t-shirt na puti, itim na pantalon, sneakers na puti at may dalang clutch bag, may mga tattoo sa magkabilang braso at nababalot ng tattoo ang likod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen, alas-10:22 ng gabi sa Kalayaan Avenue malapit sa kanto ng N. Garcia St., Barangay Bel-Air, Makati City.

Nabatid na itinawag ng isang security guard sa Brgy. Bel-Air ang narinig na apat na putok ng baril na agad nirespondehan at itinawag din sa police station.

Dinala sa Makati Medical Center ang biktima kung saan idineklarang patay alas-11:07 ng gabi dahil sa tinamong bala sa ulo, kaliwang bahagi ng tiyan na tumagos sa kanang balakang, isa sa kanan at isa sa kamay at isa sa kaliwang hita.

Sa isinagawang backtracking sa CCTV, naglalakad mag-isa ang biktima na may hawak pang clutch bag habang ang mga suspek na sakay ng motorsiklo na kulay itim ay nag-counterflow sa Kalayaan Avenue.

Huminto ng sandali at nagpalit ng posisyon ang backride at nagmamaneho at binuntutan ang biktima at hindi na nakunan ng CCTV ang mga sumunod na pangyayari, subalit tiyak na ang mga suspek ang bumaril sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon kung may iba pang motibo sa krimen, bukod sa pagnanakaw dahil sinigurado ang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

SNATCHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with