^

Police Metro

Metro Manila mayors aprub ang pagbawal sa paliligo sa baha

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkasundo ang mga Metro Mayor na ipasa ang resolusyon na humihimok sa mga local na pamahalaan sa kanilang nasasakupan na ipagbawal ang paliligo sa baha.

Bukod dito ay ang pagsagawa ng information at education drive campaign para imulat ang kamalayan ng mamamayan sa panganib na dala ng leptospirosis na nakukuha sa tubig-baha.

Sinabi ni MMDA Ac­ting Chairman Don Artes na sa pamamagitan ng MMDA Regulation No. 24-003, “children and adults are prohibited from swimming, playing, gallivanting and/ or unnecessary wading or doing any other leisurely activities in floodwaters.”

Sinabi ni Artes na ang bawat LGU ay maaa­ring magpasa ng kanilang sariling mga ordinansa at parusa para sa mga lalabag sa regulasyong ito.

Ang paggawa ng mga ordinansa at parusa ay ipinauubaya sa mga LGU dahil mas mabisa nilang harapin ang sitwasyon sa kanilang sariling mga komunidad, dahil sa kanilang pamilyar sa mga kakaibang kalagayan ng kanilang mga kalagayan.

Karaniwang tumataas ang kaso ng leptospirosis tuwing tag-ulan at lalo na kapag may mga bagyo at pagkakaroon ng baha sa maraming bahagi ng National Capital Region (NCR).

Dumalo rin sa nasabing briefing si DOH Undersecretary Dr. Gloria Balboa na nagpayo sa mga LGU na tiyakin ang tamang pagtatapon ng basura,pagpapanatili ng kalinisan, at pagkontrol ng mga daga sa kanilang mga lugar upang maiwasan ang leptos­pirosis.

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->