^

Police Metro

Pagbibitiw ni Sec. Teodoro, fake news

Joy Cantos - Pang-masa
Pagbibitiw ni Sec. Teodoro, fake news
Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Inihayag ni Defense Spokesman Director Arsenio Andolong na fake news ang kumakalat sa social media na nagbitiw na sa puwesto si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

“There is no truth to the rumor perpetrated by certain sectors online about the supposed resignation of Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr.”, saad ni Andolong.

Dahil dito, nanawagan naman si Andolong sa mga nagpapakalat ng ka­sinungalingan na maghinay-hinay at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko.

Binigyang diin ni Andolong na hindi makakabuti sa bansa ang pagpapakalat ng mga maling imporma­syon na naglalayong lituhin at linlangin lamang ang mamamayang Pilipino.

Inihayag nito na nanatili ang commitment ng Defense department sa mandato nito sa peace and order at pagdedepensa sa teritoryo.

Nanawagan rin si Andolong sa publiko na manati­ling vigilante laban sa mga maling impormasyon na ipinakakalat ng mga dismayadong grupo na naglalayong linlangin ang mamamayang Pilipino.

vuukle comment

GILBERTO TEODORO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with