^

Police Metro

Marcos tiwalang walang mababago sa ugnayan ng ‘Pinas, USA

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang mababago sa ugnayan at relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng pamamahala ni President-elect Donald Trump.

Sinabi ng Pangulo na mayroong matatag na tratado ang Pilipinas at Estados Unidos at naniniwala itong hindi mababago.

“I don’t think it will change. The global forces that are our oldest treaty partner, that doesn’t change,” saad ng Pa­ngulo.

Gayunman, abangan na lamang aniya kung magkakaroon ng mala­king pagbabago sa sanda­ling magsimula na ang administrasyon ni President Trump.

Matatandaan na binati ni Marcos si Trump matapos ang kanyang pagkakapanalo sa eleksyon at umaasa na mas magiging mabunga at dynamic ang partnership ng Pilipinas at Amerika.

Ang Pilipinas at Amerika ay mayroong matibay na kooperasyon sa defense at security, trade and investment, food and energy security, renewable energy, climate action, digital transformation, infrastructure development, at humanitarian assistance.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with