^

Police Metro

BFP official pinaaresto sa kasong illegal recruitment

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na iutos ng Pasay City court ang pag-aresto dahil sa kasong illegal recruitment, pinatatanggalan naman ng lisensiya ng isang ginang ang isang nurse ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa umano’y paglabag sa mga alituntunin ng Professional Regulation Commission (PRC) Board of Nursing.

Batay sa complaint affidavit ni Faiza Mutlah Utua­li si “Senior Fire Officer 2 RJ” ay lumabag sa Board of Nursing Resolution 220, Series of 2004, ang Code of Ethics for Registered Nurses; Republic Act 9173, ang Philippine Nursing Act of 2002, na nag-uutos ng etikal na pag-uugali ng mga practitioner at Board Resolution 425, Oktubre 22, 2003, na nagtataguyod ng mga pamantayan ng nursing practice sa Pilipinas.

Nabatid na ang kaso ay isinampa noong Dis­yembre 23, 2024 ni Utuali na nag-aakusa kay “Senior Fire Officer 2 RJ” ng unprofessional at pagkakaroon ng illicit affair sa kanyng mister, isang dating opisyal ng Marine na natanggal sa serbisyo.

Nanawagan din si Utuali sa PRC na bawiin ang lisensya sa pag-nurse ni “Senior Fire Officer 2 RJ” dahil ang maling pakikipagrelasyon nito ang nakakasira sa dignidad ng propesyon ng pag-nurse at nagdudulot ng kawalan ng tiwala ng publiko.

Dagdag pa ni Utuali, dapat na mapanagot ng PRC ang nurse dahil posible umano itong makasira sa organisasyon.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with