^

Police Metro

Marcos pinawi ang pangamba sa butas ng EO vs POGO

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na pinawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ­pangamba ng ilang mambabatas ukol sa di umano’y ‘mga butas’ sa Executive Order No. 74, ang agarang pagbabawal o pag-ban sa Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO), internet gaming at iba pang uri ng offshore ga­ming operation sa bansa.

Pinuna kasi ni Senadora Risa Hontiveros ang ilang umano’y mga butas sa EO ni Pangulong Marcos laban sa POGO ops.

Ang mga ‘napunang butas’ ng senador sa EO ay ‘mga butas’ na nagbibigay pagkakataon sa mga POGOs na makapagpatuloy ng operasyon sa loob ng mga casino at freeports.

Sinabi ni Hontiveros na hindi kasi hayagang idineklara ng Executive Order No. 74, na pirmado ni Pangulong Marcos Jr. noong Nobyembre 5, ang ban sa mga POGO na sakop ang lahat ng mga establisyimento na wala sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Ang buweltang tugon naman ng Pangulo,“They cannot. There’s just no way because it’s the nature of the operation that we are banning.”

“Basta’t POGO ‘yan, basta’t ganyan ang operas­yon nila, they’re banned,” diving pahayag ng Pa­ngulo.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with