^

Police Metro

PNP, bubuo ng TF vs ‘fake video’ ni Pangulong Marcos

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang task force ang nakatakdang buuin ng Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ng Pa­ngulo sa aktong guma­gamit umano ng ilegal na droga.

Sa ginawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na pangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang task force para patunayan na “deep fake” ang naturang video.

Kinokondena rin nila ang pagpapakalat nito na isinabay pa sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Marcos.

Nanawagan si Abalos sa publiko na huwag basta maniwala sa nasabing video.

“Sa aking pagtingin sa video, hindi ako naniniwala na ang nan­dun ay ang Pangulo. Sa tagal na kakilala ko ang Pangulo, ang features niya ay hindi ganito,” ani Abalos.

Tiniyak naman ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na mananagot sa batas ang responsable sa naturang video.

Ayon kay Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM) Acting Director Police Brigadier General Matthew Baccay, mahaharap sa criminal at civil liability ang sinumang mapatunayang nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng Video.

Ang naturang vi­deo ay ikinalat umano sa isang pagtitipon ng grupong MAISUG sa Los Angeles, California, USA sa bisperas ng State of the Nation Address ng Pangulo.

Kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act ang  mapapatunayang responsable sa pekeng video.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with