^

Police Metro

Ayuda ni Marcos sa mga magsasaka, mangingisda makapagpapababa ng mga presyo ng pagkain - Romualdez

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbibigay ng direktang tulong-pinansyal sa mga magsasaka at mangi­ngisda sa buong bansa ang programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Spea­ker Ferdinand Martin G. Romualdez nang sumama ito at mahigit 300 kinatawan kay Pangulong Marcos sa pamimigay ng tulong-pinansyal sa may 10,000 benepisyaryo sa ilalim ng kanyang Presidential Assistance to Far­mers and Fisherfolk (PAFF) program.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa benepisyaryong residente ng Palawan at kalapit na lalawigan ng Marinduque sa Edward S. Hagedorn Coliseum sa Puerto Prince­sa City, Palawan na dinaluhan ng mga lokal na opisyal.

Ipinaliwanag ni Spea­ker Romualdez ang layunin ng pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka at mangi­ngisda kasabay ng kanyang pagpapakilala sa Pangulo sa event.

“Kayo po – ang ating­ mga magsasaka at mangi­ngisda – ang nagpapakain at bumubuhay sa buong bansa. Obligasyon ng ­ating gobyerno na tiya­king busog din lagi ang inyong mga pamilya at may maliwanag na kinabukasan para sa inyong mga anak,” ang pahayag ni Romualdez.

Tiniyak din ni Speaker Romualdez kay Pangulong Marcos ang patuloy na suporta ng Kamara de Representantes sa kanyang mga makabagong programa upang magpatuloy ang pagtulong sa mga nanga­ngailangang Pilipino.

Kumpiyansa rin si Speaker Romualdez na ang mga ipinatutupad na programa ay makatutulong sa pagtaas ng produk­syon ng mga magsasaka at mangi­ngisda na magdudulot din ng pagbaba sa mga produktong inaangkat ng bansa.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with