^

Police Metro

Manibela tigil-pasada sa SONA

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maglulunsad ng panibagong transport strike ang grupong Manibela kasabay na rin nang nakatakdang pagdaraos ngayong araw ng  ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena, aabot sa 4,000 miyembro nito sa Metro Manila ang makikiisa sa transport strike na ikakasa nila laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ngayong araw.

Nabatid na sisimulan ng grupo ang kanilang protesta ngayong tanghali, sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Diliman, Que­zon City.

Bukod sa Metro Manila, inaasahang magdaraos din ang Manibela ng transport strike sa Baguio City; Pangasinan; Naga City, Camarines Sur; at maging sa Visayas at Davao Region.

Una nang inanunsiyo ni Marcos na hindi na palalawigin pa ng pamahalaan ang PUV consolidation na unang bahagi ng PUVMP, na nagtapos na noong Abril 30, 2024.

Ang lahat naman ng mga PUVs na bigong mag-consolidate sa korporasyon o kooperatiba ay ikukonsidera nang kolorum ng mga awtoridad kaya’t maaari silang hulihin sa sandaling bumiyahe at mamasada.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with