^

Police Metro

Employers na ‘di nagre-remit ng SSS contribution binalaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Nasa P5,000 to P20,000 ang penalty at anim hanggang 12 taon na pagkakakulong kapag napatunayang hindi hinulog sa Social Security System (SSS) contributions ng mga empleyado.”

Ito ang naging babala ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa mga delingkwenteng employers dahil sa marami na namang mga empleyado ang lumalapit sa kanyang tanggapan para magpatulong dahil hindi nagbabayad sa SSS ang kanilang mga employer.

“Just last week almost 100 na call center agents ang nagtungo sa opis namin para ireklamo ang kanilang kumpanya”, ani Cong. Tulfo.

Ayon pa sa Deputy Majority Floor leader, “nalaman lang daw nila na hindi nire-remit ng employer nila ang kanilang contribution dahil mag-loan sana ang ilan sa kanila, eh di raw naghuhulog si employer.”

“May ilang teacher din sa isang private school sa Cavite, nagsumbong din na walang hulog ang SSS nila,” dagdag pa ni Tulfo.

Paalala niya sa mga employer na kapag kinaltasan ang sweldo ng mga empleyado dapat itong i-remit o ihulog sa SSS dahil kung hindi ito ay may kaukulang parusa.

 “Paalala rin po sa mga employers diyan ng mga kasambahay, family drivers, at mga houseboy na kailangan bayaran din nila ang SSS ng mga tauhan nila sa bahay,” pahabol ni Tulfo.

Panawagan naman niya sa mga naagrabyadong mga manggagawa na magtungo lang sa tanggapan ng ACT-CIS sa 81 Mother Ignacia Avenue, Quezon City para matulungan sa kanilang problema laban sa kanilang employer.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with