^

Police Metro

8 patay sa bagyong ‘Butchoy’, ‘habagat’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 8 katao ang nasawi sa bagyong ‘Butchoy’, habagat’ bunsod ng malawakang pagbaha at landslide habang isinailalim sa state of calamity ang dalawang bayan sa Cotabato.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),isang 22-anyos na lalaki ang nalunod sa Brgy.Damalasak, Pagalungan, Maguindanao del Sur.

Una nang inulat ng NDRRMC na lima ang kumpirmadong nasawi kung saan apat sa Zamboanga City dahil sa landslides at isang 47-anyos na babae ang nalunod sa Maramag, Bukidnon. Sumasailalim pa sa beripikasyon ang dalawang iba pa.

Idineklara naman ang state of calamity sa bayan ng Kabacan at Pikit, Cotabato dahil sa patuloy na pagsama ng panahon.

Nasa 636,110 katao o 131,388 pamilya na ang apektado sa bagyong Butchoy at habagat kung saan tinatayang 384,000 indibiduwal o 77,000 pamilya ang nawalan ng tirahan at ngayo’y nanunuluyan sa mga evacuation centers at kanilang mga kamag-anak.

Pumalo na rin sa P8.29 milyon ang pinsala sa agrikultura sa regions Zamboanga Peninsula (Region 9) at Northern Mindanao (Region 10).

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with