^

Police Metro

11 Daulah Islamiyah-Turaife Group terrorists, sumuko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labing-isang miyembro ng Daulah Islamiyah-Turaife Group (DI-TG) terrorists ang sumuko sa tropa ng militar sa Brgy. Bua­yan, Datu Piang, Maguin­danao.

Sa report ni Lt. Gen. William Gonzales, Commander ng AFP-Western Mindanao Command, isinurender din ng mga lokal na terorista ang pitong matataas na kalibre ng armas ng mga ito at apat na maiikling kalibre ng baril.

Ang naturang mga terorista na sumurender kamakalawa sa mga kasapi ng Army’s 6th Infantry Battalion (IB) ay kabilang sa nalalabing miyembro ng DI-TG na namumugad sa Maguin­danao del Sur.

Kasabay nito, hinikayat naman ni Gonzales ang mga nalalabi pang miyembro ng DI-TG na magbalik-loob sa tropa ng pamahalaan para sa ikatatamo ng kapayapaan sa Central Mindanao.

Inihayag ni Gonzales na ang mga nagsisukong terorista ay kanilang ipapa-enrol sa AGILA- Haven Program ng lokal na pamahalaan sa Maguin­danao del Sur para mabigyan ng oportunidad na magbagumbuhay at magkaroon ng munting kabuhayan.

vuukle comment

MAGUIN­DANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with