^

Police Metro

Insidente sa Ayungin, ‘di pa ‘act of war’ ng China – PCG

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para sa Philippine Coast Guard (PCG), hindi pa maituturing “act of war” ang aksyon ng Chinese troops sa pinakahu­ling insidente ng harass­ment noong Hunyo 17 sa Ayungin Shoal kung saan isa sa miyembro ng Philip­pine Navy ang naputulan ng daliri.

Sa isang forum nitong Sabado, sinabi ng PCG na naniniwala silang nagkaroon ng “wrong interpretation” sa naging aksyon ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal, na nais lang ding protektahan ang nasabing Shoal na pinaniniwalaan nilang kanilang teritoryo.

Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, spokesperson for West Philippine Sea, hindi dapat ganun tingnan ang nasabing aksyon kahit nai-video ang mga pangyayari na may hawak na bolo at palakol ang CCG dahil hindi naman ginamit ito habang hinaharang at pinipigilan ang resupply mission ng tropa ng mga Pinoy.

“Their main objective is not to have an armed attack or an aggression, but rather to prevent the Philippine government from completing the resupply mission. And that is something na masasabi nating there was a wrong interpretation of the real intent of China,” ani Tarriela.

Pinawi rin ni Tarriela ang pangamba na magi­ging simula ito ng digmaan at mag-trigger ng 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) na nilagdaan ng Pilipinas at ng kaalyadong Estados Unidos.

Aniya, ang puwersa ng mga sundalong Pinoy ay sinunod ang tungkulin sa resupply mission habang ang puwersa ng Chinese ay layong protektahan ang kanilang inaangking teritor­yo.

vuukle comment

PCG

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with