^

Police Metro

2 rider na suma-sideline na snatcher, timbog

Mer Layson - Pang-masa
2 rider na suma-sideline na snatcher, timbog
Hindi muna pinangalanan ng San Juan City Police ang mga suspek, na sinasabing mga lehitimong mi­yembro ng ride hailing app, na ginagamit nila upang maisagawa ang kanilang ilegal na aktibidad.
File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang follow-up operation ang dalawang motor taxi riders na suma-sideline bilang snatchers sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Hindi muna pinangalanan ng San Juan City Police ang mga suspek, na sinasabing mga lehitimong mi­yembro ng ride hailing app, na ginagamit nila upang maisagawa ang kanilang ilegal na aktibidad.

Batay sa ulat, lumilitaw na nagkasa ang mga otoridad ng follow-up operation sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City nitong Huwebes ng hapon, matapos mambiktima muli ang mga suspek noong Miyerkules ng gabi.

Matapos ang backtracking, natunton naman at naaresto ang mga suspek sa area ng Sampaloc, Maynila.

Nang maaresto, positibong kinilala ng biktima ang mga suspek, na siyang nanghablot ng kanyang bag.

Nakilala rin ng biktima ang motorsiklong ginamit ng mga ito.

Nabatid na modus operandi ng mga suspek na i-booked muna ang kanilang mga sarili, bago mambiktima sa isang lugar. Nakapiit na ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong robbery holdup sa piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with