^

Police Metro

Pagbibigay ng visa sa Chinese retirees, investors, paiimbestigahan sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Pagbibigay ng visa sa Chinese retirees, investors, paiimbestigahan sa Kamara
File photo shows Chinese deportees wait to be processed at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 before boarding a flight to Shanghai December 14, 2023.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Isang resolusyon ang ihahain ngayong araw ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo para paimbestigahan sa Kongreso ang pag-isyu ng Special Resident Retiree’s Visas (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at ang late registration of birth na siya umanong posibleng ginagamit sa pagdagsa ng mga Chinese nationals sa Pilipinas.

Ayon kay Tulfo, base sa mga ulat ng Philippine Retirement Autho­rity (PRA), sa mahigit 79,000 dayuhang reti­rees sa Pilipinas, higit sa 30,000 Chinese “retirees” ang pinayagan na permanenteng manirahan sa bansa.

Nakababahala rin umano na ang PRA ay tumatanggap ng retirees na hindi bababa sa 35 taong gulang mula noong 1991. Ang edad na kinakailangan ay itinaas lamang sa 50 taong gulang noong Abril 2021.

Ibinunyag din na ilang mga krimen ang may kaugnayan sa pagdami ng mga Chinese nationals kabilang ang human trafficking, panloloko, kidnapping, ilegal na detensyon, prostitusyon, at iba pa.

Binanggit din ni Tulfo na ang mga raid kamakailan sa mga establisyemento ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) ay nagresulta rin sa pagkatuklas ng mga opisina, dormitoryo, villa, at iba pang mga pasilidad na nagpapahiwatig ng matagal na presensya at aktuwal na pamumuhay sa loob ng mga dapat sana’y establisyemento ng negosyo.

Binanggit ni Tulfo ang kaso ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung saan natuklasan ng mga otoridad ang posibleng pag-abuso naman sa prose­so ng late registration ng birth certificate na kalaunan ay nagamit pa para makatakbo at manalo sa halalan.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with